50 million budget para sa ‘AKBAY-ARAL DITO’ Project, Aprubado ng Provincial Government ng Isabela

Cauayan City, Isabela- Aprubado na ni Isabela Governor Rodito Albano III ang gagamiting pondo para sa ‘AKBAY-ARAL DITO’ ng Schools Division Office ng Isabela para sa gagawing implementasyon ng Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP).

Ayon kay Chief Education Supervisor Jesus Antonio ng Schools Governance and Operation Division ng SDO Isabela, inaasahan na ang pondong nagkakahalaga ng P50 milyon pesos ay gagamitin sa pagbili ng machine for reproduction Self-Learning Modules at pagbili ng mga tablet na gagamitin ng mga mag-aaral.

Bukod dito, inaprubahan na rin ang appointments ng nasa 150 Provincial School Board (PSB) teachers.


Ayon naman kay Albano, kailangan na mapanatili ang magandang kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral upang makamit nila ang kanilang tagumpay sa buhay.

Naitala ang Division Office ang nasa mahigit 92 milyon ang suporta ng mga LGUs sa ilalim ng Social Mobilization and Networking (SMAN).

Facebook Comments