50 milyong Pilipino, fully vaccinated na laban sa COVID-19

Umabot na sa 50 milyong Pilipino ang fully vaccinated na sa Pilipinas laban sa COVID-19.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., kulang na lang ito ng apat na milyon, upang maabot ang target na 54 milyong Pilipino na mabakunahan bago matapos ang 2021.

Ilan sa kinaharap na problema ay ang epekto ng Bagyong Odette na ikinasuspinde ng pagbabakuna sa ilang rehiyon sa Visayas at Mindanao.


Samantala, bilang paghahanda sa epekto ng Omicron variant ng COVID-19, sinabi ni Galvez na prayoridad na nilang bakunahan ang mga matatanda na wala pang natatanggap na bakuna.

Batay sa datos, nasa 1.5 milyong senior citizens ang hindi nababakunahan sa Pilipinas.

Makikipagpulong naman si Galvez sa mga lider ng Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon para sa paghahandang gagawin laban sa bagong variant.

Facebook Comments