50 mula sa 60 POGO, hindi nagbabayad ng buwis  

Ibinunyag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nasa 50 mula sa 60 rehistradong POGO o Philippine Offshore and Gaming Operator ang hindi nagbabayad ng buwis.

Ayon sa BIR, sa ibang bansa nakabase ang 50 POGO kahit may mga Pilipinong empleyado sa Pilipinas.

Giit ni House Minority Leader, Rep. Benny Abante Jr., nararapat na lamang na alisin ang mga POGO sa bansa dahil hindi ito nakakatulong sa gobyerno.


Sinabi ni House Committee on Ways and Means Chairperson, Albay Rep. Joey Salceda, pwede namang buwisan ang mga pogo mapa-overseas based man o nasa Pilipinas.

Sa isinusulong niyang House Bill 5267, nagpapataw ng 5% na buwis sa kanilang kita.

Kung maaaprubahan ang panukala, nasa 45 Billion Pesos ang makukuha ng pamahalaan sa loob ng isang taon.

Facebook Comments