MWSS, kinukumpleto ang lahat ng dokumento para sa pagtatayo ng Kaliwa Dam

28

Sinisikap na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na makumpleto ang lahat ng mga dokumento sa pagtatayo ng Kaliwa Dam.

Ayon kay MWSS Administrator Emmanuel Salamat, mahalagang magkaroon ng karagdagang mapagkukunan ng supply ng tubig.


Sinabi rin ni Salamat, inihirit nila sa Cabinet Meeting na protektahan at i-preserba ang Laguna Lake.

Sakaling maantala ang paggawa ng Kaliwa Dam, sinabi ni Maynilad President and CEO Ramoncito Fernandez, binabalak nilang kumuha ng maraming supply ng tubig mula sa Laguna Lake para makapagbigay ng serbisyo sa kanilang mga customer.

Nasa tatlong Milyong Litro ng tubig ang nakukuha ng Maynilad sa Laguna Lake.

Facebook Comments

From Advertisers