50 na trabahador sa Davao del Sur, nag-ALS sa isang floating school

Tampok ang floating school sa Davao del Sur kung saan may 50 na may-ari ng fish cages ang nag-aaral sa programa ng Department of Education (DepEd) na Alternative Learning System (ALS).

Ang floating cottage ay matatagpuan sa laot ng Malalag Bay, na kinakailangan pa ng 15-minuto na sakay ng motor banca.

Ang mga nag-aaral dito ay nasa sekondarya o advanced elementary na. One-on-one ang pagtuturo dito upang mabigyan ng sapat na atensyon ang mga estudyante.


Aabot ng 300 ang trabahador ng fish cages at target ng DepEd na makapagtapos o mabigyan ng diploma ang kalahati sa kanila.

Facebook Comments