Matteo Guidicelli, kinilabutan sa muling pagkikita nila ni PRRD

227

Nakaramdam daw ng goosebumps ang aktor na si Matteo Guidicelli sa ikalawang beses na pagkikita nila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Sulu.

Sa social media post ng aktor, sinabi nitong labis niyang hinangaan ang Pangulo kung papaano nito sinusuportahan ang mga sundalo.

Nagkita si Matteo at Pangulong Duterte sa Sulu nang sumama ito sa pagbisita sa mga sugatang sundalo sa nangyaring pagbomba doon noong nakaraang linggo.


Unang nagkita ang aktor at ang Pangulo nitong Abril ilang araw matapos siyang ma-enlist sa army reserve command.

Facebook Comments