50% ng provincial buses, operational na – LTFRB

Nasa 50-porsyento ng provincial buses sa bansa ang nagbalik ng operasyon.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Martin Delgra III, naaprubahan na nila ang pagbubukas ng 833 provincial bus routes, kabilang ang inter-regional at inter-provincial routes sakop ang 11,600 units.

Hindi pa rin tiyak si Delgra kung magbabalik operasyon ngayong taon ang lahat ng ruta ng provincial buses.


Patuloy silang nakikipag-coordinate sa local government units (LGU) para buksan ang kanilang borders.

Nagpaalala ang LTFRB sa mga driver at operators na mahigpit na sundin ang pitong kautusan sa public health measures sa transportasyon.

Kabilang ang pagsusuot ng face masks at face shields; bawal ang pagsasalita at tanggapin ang anumang tawag sa cellphone; bawal kumain; panatilihing well-ventilated ang sasakyan; madalas na disinfection; hindi pagtanggap sa mga pasaherong may sintomas ng COVID-19, at pagsunod sa physical distancing.

Facebook Comments