Roque, iginiit na sariling pera ang gamit niya sa mga biyahe sa tourist spots

144

Nanindigan si Presidential Spokesperson Harry Roque na sariling pera ang ginagamit niya sa kanyang mga biyahe sa tourist destinations.

Nauna nang binisita ni Roque ang mga tourist spot gaya ng Baguio City, Boracay Island at Bohol.


Ayon kay Roque, nais niyang i-promote ang pagbubukas ng mga tourist spots sa bansa.

Aniya, limitado ang budget ng kanyang opisina.

Bago ito, itinanggi na ni Roque ang mga espekulasyong tatakbo siya bilang Senador sa 2022 elections.

Facebook Comments