CAUAYAN CITY – Matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya ang Ordinance 2024-248 o ang “Nueva Vizcaya Enduring Devotion Award Ordinance,” ay pormal nang binuksan ang pagtanggap ng mga aplikasyon para dito.
Nakasaad sa ordinansa na ang mga mag-asawang Novo Vizcayanos na kasal sa loob ng limampung taon o higit pa ay makakatanggap ng P50,000.
Bukod dito, mayoon ding plaque of recognition at letter of felicitation na ibibigay mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ilan sa mga kailangang mga dokumento para sa pag-aapply ay: Application Form, kopya ng Marriage Certificate (PSA), Barangay Council Resolution, Barangay Certification of Residency, government ID, Birth certificates ng mag-asawa, Notarized Certificate of Undertaking, NBI Clearance at Waiver.
Ang mga nabanggit na dokumento ay kailangang isumite lamang sa PSWD Office, Capitol Compound, Bayombong.