500 bagong batch ng PDL mula New Bilibid Prison, nailipat na sa Occidental Mindoro

Nailipat na sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro ang 500 bagong batch ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., mula sa 500 bagong batch na nailipat ay 200 ang galing sa maximum camp, 200 sa medium camp, at 100 sa Reception and Diagnostic Center.

Sa kabuuan ay tinatayang nasa 5,170 mga PDL na ang nailipat sa iba’t ibang operating prison and penal farm sa bansa mula noong Enero hanggang Hunyo ng taong ito.


Ipinaliwanag naman ni Catapang na layon ng paglilipat ng mga PDL ang mapaluwag ang overcrowded o siksikan na pasilidad sa NBP.

Nais rin aniya nitong mapalakas pa ang manpower sa agricultural project ng mga prison and penal farm na susuporta sa food and security programs ng pamahalaan.

Facebook Comments