500 hanggang 600 na botante kada isang clustered precint sa eleksyon 2022, inirekomenda ng dating COMELEC Commissioner

Inirekomenda ni dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Luie Guia na 500 hanggang 600 lamang ang dapat payagang botante sa isang clustered precint.

Ito ay sa kabila pa rin ng banta ng COVID-19 at ng iba’t ibang variant nito.

Paliwanag niya, kung isang optical scanner lamang ang gagamitin, tiyak na magiging mahaba ang pila.


Kaugnay nito, inihayag din ni Cavite Representative at Vice Chairman of the Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System Elpidio Barzaga, mukhang hindi na rin maisasagawa ang 1,000 botante sa kada isang clustered precint dahil sa pandemya.

Pero sa ngayon, kailangan pa ng sapat na panahon at pag-aaral para itakda kung ilang indibidwal ang dapat sa isang clustered precint para tiyakin ang kaligtasan ng botante at maayos na eleksyon sa Halalan 2022.

Facebook Comments