Omicron variant, wala pang ebidensyang mas malala at nakakamatay – DOH

86

Wala pang ebidensya sa mas malala at nakakamatay ang COVID-19 Omicron variant.

Ayon kay Department of Health – Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, lahat ng datos na may kinalaman sa Omicron variant ay masusing sinusuri ng World Health Organization at global experts.

Aniya, naghihintay lamang ang ahensya sa bagong impormasyong ilalabas ng eksperto kasama ang ilang rekomendasyon na posibleng isapubliko sa susunod na linggo.


Sa ngayon, ibayong pag-iingat pa rin aniya ang kailangang gawin ng publiko para maiwasan ang anumang variant ng COVID-19

Facebook Comments