Inihayag ni San Juan City Mayor Francisco Zamora na nasa mahigit 500 indibidwal na kabilang sa A5 category o mahihirap na populasyon ang babakunahan ngayong araw.
Ito na ngayon ang ikalawang araw ng bakunahan laban sa COVID-19 para sa A5 sa lungsod ng San Juan.
Ito’y matapos na pormal na buksan kapon ang pagbakuna sa A5 category sa lungsod kung saan umabot ng 453 na indibidwal na kabilang sa mahihirap na populasyon ang unang nabakunahan.
Iginiit naman ni Mayor Zamora na mahigpit parin nilang ipanatutupad ang no walk-in policy upang maiwasan ang pagdagsa ng tao sa kanilang vaccination centers.
Sa kabila ng bakunahan ng A5 sa San Juan, nagpapatuloy pa rin ang pagbakuna sa lungsod para sa A1 o medical frontliners, A2 o senior citizen, A3 o person with comorbidities, at A4 o economic frontliners.