May kabuuang 500 indibidwal ang nagbenepisyo sa Localized Version ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.
Isinagawa ang unang payout ng naturang programa nitong biyernes, Setyembre 16, 2022.
Tumanggap ang mga benepisyaryo ng may kabuuang P5,000 kapalit ng kanilang sampung araw na pagtatrabaho sa kanilang komunidad katulad ng paglilinis sa mga pampublikong lugar.
Gumawa ang Lokal na pamahalaan ng Dupax del Norte sa suporta na rin ng Sangguniang Bayan ng sariling bersyon ng TUPAD ng national government.
Sa ilalim ng localized version ng TUPAD, maaaring sumali sa program ang mga Persons with Disability o PWDs at senior citizens.
Samantala, 2,000 katao ang inaasahang magbenepisyo sa ikalawang tranche ng programa kasama na ang ilang drug surrenderees upang makapagsimula sa pagbabagong-buhay.
Facebook Comments