Katuwang ng 5ID sa pangunguna ng Commander nito na si MGen Laurence Mina ang Department of Health Region 2 at Isabela Provincial Health Office (IPHO) sa isinagawang konsultasyong medikal, pagbubunot ng ngipin, libreng tuli, at libreng gupit.
Nagkaroon din ng pamamahagi ng relief packs, school supplies, at feeding program sa pakikipagtulungan ng 502nd Infantry Battalion, 5th Civil Military Operation Battalion, LGU Jones at IPHO.
Isinagawa ang nabanggit na aktibidad sa Dicamay Dos bilang pagbabalik-tanaw ni MGen Mina sa nangyaring engkwentro roon ng taong 1993 noong siya ay Tinyente pa lamang.
Nakasagupa ng kanyang tropa ang tinatayang nasa 100 na armadong miyembro ng NPA at nabaril ito na nagdulot ng malubhang sugat ngunit sa kabutihang palad ay nakaligtas ito.
Dahil dito, pinangalanan ng mamamayan noon na ‘Mina Hill’ ang isa sa mga burol doon sa pag-aakalang namatay ang noo’y 2Lt Mina kaya’t patuloy ang pasasalamat ng Heneral sa pagkilala ng mga mamamayan sa kabayanihan ng kasundaluhan.