Musical Dancing Fountain, Patok sa City of Ilagan

39
Kinagigiliwan ngayon ang bagong atraksyon sa lungsod ng Ilagan ang Musical Dancing Fountain na makikita sa Rizal Park, Centro Poblacion, City of Ilagan, Isabela.

Pormal na pinasinayaan ang nabanggit na bagong atraksyon noong Agosto 12, 2022 bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng 10th Cityhood Anniversary ng lungsod.

Samantala, makikita ang palabas ng Musical Dancing Fountain bawat gabi sa mga sumusunod na oras alas-6:30 hanggang 7:15 ng gabi at ang second show naman ay alas-8:00 hanggang 8:45 ng gabi.

Layunin ng pagbubukas ng bagong atraksyon na hikayatin ang mga mamamayan na bumisita sa open parks ng lungsod, magbigay-giliw sa mga namamasyal sa lugar at lalo pang palakasin ang turismo sa lungsod.

Facebook Comments