500 Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa New Bilibid Prison ang nailipat na rin sa Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte.
Ito ay bahagi pa rin ng pagpapaluwag sa mga kulungan na ginagawa ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., bilang paghahanda rin ito sa napipintong pagsasara ng Bilibid.
Balak din ng BuCor na magpatupad ng after-care program sa persons deprived of liberty na nakalaya na mula sa correction facilities.
Facebook Comments