Malacañang, hinimok ang publiko na pangalagaan ang yamang-tubig ng bansa ngayong World Water Day

Hinikayat ng Palasyo ng Malacañang ang publiko na pangalagaan ang yamang-tubig ng bansa.

Ito’y kasunod ng pagdiriwang ng World Water Day ngayong araw.

Ayon sa Palasyo, kaakibat din ito ng pagsusulong ng karapatan ng mga Pilipino sa malinis na tubig.


Dagdag pa ng Malacañang, na ang hakbang na ito ang magiging dadaan tungo sa isang matatag at malusog na bagong Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay nakararanas ng matinding epekto ng El Niño ang bansa na malaking banta sa suplay ng tubig.

Facebook Comments