500 Pilipino na nahuli sa pinasarang POGO operation, pinalaya na ng CIDG

Pinalaya ng Criminal Investigation and Investigation Group (CIDG) ang nahuling 500 Pilipinong empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) na sangkot sa crypto-currency scam na ni-raid ng CIDG noong nakaraang linggo.

Ayon kay CIDG Spokesperson Police Maj. Mae Anne Cunanan, nakatakda nang i-inquest ang 851 naaresto sa operasyon.

Aniya, magsisilbing testigo ang mga Pilipino laban sa mga operator ng POGO na kakasuhan ng paglabag sa RA 8799 o Securities Regulations Code of the Philippines, kaugnay ng Section 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012; at Human Trafficking (RA 9208).


Una nang inaresto ang nasa 851 empleyado ng Hong Sheng Gaming Technology matapos magpatupad ng search warrant ang CIDG sa tanggapan ng kompanya sa Brgy. Anupul, Bamban, Tarlac noong Pebrero 1.

Facebook Comments