5,000 bagong kaso ng COVID-19, posibleng maitala sa bansa sa katapusan ng Marso – OCTA

Posibleng umakyat sa 5,000 ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa katapusan ng Marso.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, sa loob lamang ng dalawang araw ay bumilis pa sa 1.8 mula sa 1.66 ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila na naitala noong Pebrero 28 hanggang Marso 6.

Aniya, isa sa mga nakapagpataas ng kaso ay ang hawaan sa pami-pamilya ng COVID-19 at sa mga depressed communities gayundin sa mga opisina.


Giit ni David, una nang naitala ang ganitong reproduction rate ng COVID-19 noong July 2020.

Kabilang naman aniya sa mga lungsod sa NCR na nasa high risk base sa attack rate ay ang Pasay City, Makati City, Malabon at Navotas.

Facebook Comments