5,000 deployment cap sa healthcare workers, pansamantala lamang ayon sa DOLE

73

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pansamantala lang ipinapatupad na 5,000 cap sa deployment ng healthcare workers.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maaaring palawakin ang cap na ibabase sa regular assessment.


Aniya, maaari itong itaas sa 7,000 hanggang 8,000 depende sa sitwasyon.

Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposal na bawiin ang temporary suspension ng deployment ng healthcare workers.

Facebook Comments