Pamahalaan, hindi pipilitin ang mga ayaw magpabakuna ayon sa Palasyo

108

Hindi pupwersahin ng pamahalaan ang sinuman na magpabakuna laban sa COVID-19 kung ayaw nila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi magiging sapilitan ang pagpapabakuna sa mga target recipients.

Nabatid na kabilang sa mga ipaprayoridad sa immunization program ay mga healthcare workers, sundalo, pulis, essential workers, mahihirap, at vulnerable communities.


Target ng pamahalaan na bumili ng 50 milyong doses ng COVID-19 vaccines sa susunod na taon sa pamamagitan ng bilateral, multilateral, at iba pang financial modes.

Facebook Comments