5,000 Metric tons ng basura ng South Korea, aalisin na sa bansa

Ibabalik na sa South Korea ang nasa 5,000 metric tons ng basura na iligal na nakapasok sa bansa noong Mayo ng 2018.

Target na mai-ship pabalik ng South Korea ang mga basura ngayong June 30.

Ayon kay Misamis Oriental Rep. Juliette Uy, sa susunod na dalawang linggo ay isasailalim sa rebagging ang mga basura na gagawin naman ng kumpanyang Verde Soko- ang consignee ng mga basurang nakatambak ngayon sa Phividec Industrial Estate o Phividec sa Misamis Oriental.


Ang hakbang ay bunga ng bilateral meeting kahapon sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at South Korea.

Ang South Korean government naman ang sasagot sa lahat ng gastos ng shipment.

Facebook Comments