Mag-asawa sa Korea, nag-away at pinabayaang mamatay ang anak

933
Image via Youngparents.com.sg

Arestado sa South Korea ang mag-asawang may apelyidong Gyeom at Cho dahil sa kapabayaan nito sa kanilang pitong buwang gulang na anak.

Ayon sa The Korean Times, 18 taong gulang ang ina habang 21 naman ang ama ng bata.


Nag-away ang mag-asawa noong Mayo 23 ng gabi at parehong umalis sa kanilang bahay.

Walang umuwi sa loob ng anim na araw dahil pareho nilang inakala na babalik ang isa upang mag-asikaso ng bata.

Nakita sa mga post sa kanilang social media na umiinom ang ina araw-araw habang ang lalaki ay nasa computer shop kasama ang barkada.

Nang umuwi, natagpuan nilang walang buhay ang anak na babae. Sinubukan umano ng mag-asawa na itago ang nangyari sa anak at ilagay sa card box.

Nadiskubre ito ng ama ng babae at inireport sa awtoridad. Nahaharap naman ngayon sa kasong child abuse ang mag-asawa.

“She’s my baby and innocent but I don’t like her anymore because I gave birth to her with you,” sabi ng babae sa kaniyang post.

 

Facebook Comments

From Advertisers