Aabot sa higit 5,000 pamilya ang nananatili sa 253 evacuation centers dahil sa epekto ng Bagyong Bising.
Sa datos ng Disastern Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot sa 5,351 families o 20,620 individuals ang nasa evacuation centers sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Nasa 7,278 families o 28,704 individuals ang nananatili sa kanilang mga kaanak o kaibigan.
Aaabot naman sa 50,523 individuals ang apektado ng bagyo sa 233 barangay sa dalawang rehiyon.
Facebook Comments