Aabot sa 5,000 trabaho sa Southern Central Europe ang posibleng ialok sa mga Pinoy.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – hiningi ng Slovenia ang pagpayag ng Pilipinas para sa deployment ng mga Pinoy skilled at semi-skilled workers.
Kabilang sa mga hinahanap ay mga health care workers, nurses, engineers, truck drivers, heavy machine and equipment operators at household services.
Pero bago ito, kailangan muna aniyang lumagda sa isang bilateral agreement ang Pilipinas at Slovenia.
Bubuo rin ng Technical Working Group (TWG) ang DOLE para sa negosasyon sa terms of agreement para matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawang Pinoy.
Facebook Comments