50,000 doses ng Sputnik V vaccines, darating sa bansa bukas

Inaasahang ipapadala bukas sa Pilipinas ang halos 50,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang Russian vaccine ay ipapadala sa pamamagitan ng Qatar Airways at inaasahang lalapag sa NAIA Terminal 3 bukas, alas-11:00 ng gabi.

Agad idederetso ang mga bakuna sa Pharmaserv Warehouse sa Marikina City bago ito ipadala sa iba’t ibang lugar sa bansa.


Ang Sputnik V vaccine ay may efficacy rate na 91.6% at inirerekomenda sa edad 18-anyos pataas.

Ito ang ikatlong batch ng Sputnik V vaccine na ipapadala sa bansa.

Sa ngayon, aabot na sa walong milyon ang doses ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Facebook Comments