150,000 na trabaho, malilikha ng bagong Clark International Airport terminal – Dizon

Aabot sa 150,000 na bagong trabaho ang malilikha ng bagong passenger terminal building ng Clark International Airport.

Ayon kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and CEO Vince Dizon, napapanahon ang modernization at expansion ng paliparan para sa muling pagbangon ng bansa.

Hindi lamang aniya ang malilikha nito, pero makakatulong din ito sa supply at trade.


Inaasahang makikinabang sa proyektong ito ang mga industriya ng turismo, food and beverage, services, infrastructure, agriculture, at manufacturing.

Umaasa si Dizon na ang infrastructure program ay maipagpapatuloy ng mga susunod pang administrasyon.

Facebook Comments