Target ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mapauwi sa Pilipinas ang higit 50,000 overseas Filipinos sa katapusan ng Hulyo sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Arriola, aabot sa 167,626 overseas Filipinos ang nananatiling stranded sa iba’t ibang bansa.
Pero tiwala si Arriola na nasa 50,577 repatriated Filipinos ang maiuuwi sa bansa sa katapusan ng buwan.
Mula nitong July 13, nasa 82,057 overseas Filipinos mula sa 60 bansa at 132 cruise ships ang na-repatriate.
Sa nasabing bilang, 38,308 ay sea-based at 43,749 ay land-based.
Karamihan sa mga repatriates ay mula sa Middle East kung saan pinakamatinding tinamaan ng COVID-19.
Pagtitiyak ng DFA, maiuuwi ang mga natitirang 117,049 stranded Filipinos sa mga susunod na buwan.