Manila, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa 50,000 pisong halaga ng droga at paraphernalia sa ikinasang operasyon sa barangay 188, Tala, North Caloocan.
Sinalakay ng mga operatiba ng Caloocan police ang isang masukal na lugar na ginawang drug den.
Nahuli nila ang target na si Richard Marikit o alyas ‘Dodong’, 24-anyos, isang drug pusher.
Itinimbre ni Marikit ang isang nagngangalang alyas ‘Monique’ na siyang nagsusuplay sa kanya ng ibinibenta niyang ilegal na droga.
Ayon kay North Caloocan PNP Chief, Insp. Moner Orang – nang pasukin ang bahay ni alyas ‘Monique’ ay hindi na nila ito naabutan pero nakumpiska naman ang bultu-bultong droga.
Sinabi naman ni Marikit – napupunta ang mga malaking bahagi nito sa mga parokyano sa San Jose del Monte Bulacan at North Caloocan.
Kasalukuyang tinutugis ng kapulisan si alyas ‘Monique’ na nasa drugs watch list ng PNP.