Ilang aksidente sa kalsada sa Quezon City, nahuli-cam

Manila, Philippines – Huli sa CCTV ang kabi-kabilang aksidente sa kalsada sa Quezon City.

Ayon kay barangay commonwealth deputy ex-o Arman Viduya – tinakbuhan ng isang van ang nakasalpukan nitong motorcycle rider sa intersection ng Litex Avenue.

Sinabi naman ni Barangay Sauyo Ex-O Jim Teruel – isang sasakyan naman ang nag-counter flow at nasagi nito ang gilid ng isang kasalubong na sasakyan.


Aniya, paliwanag nung driver na nag-counter flow na sasakyan – nakatulog daw ito.

Isa pang insidente ang nangyari sa brgy. Sauyo kung saan natumbok ng isang trak ang likurang bahagi ng isang taxi at muntikan nang mahagip ang isang pedestrian.

Bukod dito, isa namang S-U-V at motorsiklo ang nagkasagian sa kaparehas na lugar.

Paalala ng awtoridad, mag-ibayong ingat at maging responsible sa pagmamaneho.

Facebook Comments