Kumpiyansa ang Department of Health na magagamit at hindi masayang ang dalawang milyong bakuna ng AstraZeneca bago ito na-expire sa June at July.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje na siya ring Chairperson ng National COVID-19 Vaccination Operation Center, mula sa dalawang milyong AstraZeneca doses, nagamit na nila ang 500,000 doses nitong nakalipas na dalawang linggo mula ng mai-deliver ito sa mga Local Government Unit.
Sa pagtataya ni Cabotaje, inaasahang mauubos nila ang nasa isang milyong doses pagdating ng katapusan ng Mayo at mauubos ang nasabing mga bakuna bago ang expiration nito sa June 30 at July 31, 2021.
As of May 18, 2021, umabot na sa 3.2 million COVID-19 doses ang naiturok na bakuna ng pamahalaan mula sa mga medical frontliner, senior citizens, at mga may comorbidities na kabilang sa A1 hanggang A3 priority groups.