Dumating na sa bansa ang nasa 500,000 doses ng bakuna mula sa Chinese Pharmaceutical Company na Sinovac na binili ng Pilipinas.
Ang nasabing bakuna ay parte ng 3.5 million doses na binili ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Health (DOH) na nakatakdang dumating ngayong Abril at sa buwan ng Mayo.
Lumapag sa NAIA Terminal 2 ang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) na may flight number 359 kaninang alas-5:10 ng hapon.
Hindi pa naman makumpirma kung sinu-sino sa mga opisyal ng IATF ang sumalubong sa pagdating ng mga nasabing bakuna.
Ang mga bakuna nanan ay agad na idederetso sa Metropac cold storage facility sa Marikina City.
Matatandaang noong March 29 ay unang dumating ang nasa isang milyong Sinovac vaccines na agad na ipinamahagi sa mga health care worker.
Inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay darating na rin ang mga bakuna mula sa Russia.