Aabot sa 500,00 pamilya ang hindi pa nakatatanggap ng emergency cash subsidy sa ilalim ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao, ang mga nasabing benepisyaryo ay nailista ng Local Government Units (LGUs) ngunit may mali sa kanilang entry.
Dagdag pa ni Dumlao, ang mga kwalipikadong makatanggap ng SAP ay makukuha pa rin ang kanilang benepisyo mula sa financial service providers at couriers kahit lumagpas na sa August 31 deadline.
Nasa ₱81 billion na halaga ng second tranche ng SAP o 95% ang naipamahagi na sa 13.6 million family beneficiaries.
Facebook Comments