Cauayan City, Isabela- Binuhay muli ang pwersa ng 501st (Valiant) Infantry Brigade ng 5th Infantry Division, Philippine Army para sa kanilang bagong area of operations sakop ang lalawigan ng Cagayan at Apayao.
Isa sa mga gagawin ngayon ng brigade ang tapusin ang insurhensiya sa Cagayan at lower part ng Apayao na pamumunuan ni Officer-in-Charge Col. Rhenante Salvador, Deputy Brigade Commander.
Ang 501st IB ay nakatakdang gawin ang kanilang trabaho na makipag-ugnayan sa Local Government Units at Agencies sa nasabing mga probinsya bilang tugon sa Whole-of-Nation-Approach in Ending Local Communist Armed Conflict at makapagtatag ng kapayapaan at kaunlaran sa kanilang nasasakupan.
Sa katunayan, makabuluhan ang gagawin ng kasundaluhan dahil sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang Northern Front Committee sa Cagayan at Apayao sa itinakda sa kanila.
Maliban dito, bahagi rin ng kanilang trabaho ang umalalay sa publiko at paghahatid ng tulong, pagtugon sa search, recue and retrieval operation sakaling magkaroon ng landslide at flashflood sa mga prone areas sa panahon ng kalamidad.
Sa send-off ceremony, hinikayat ni BGen Laurence E Mina PA, 5ID Commander, ang lahat ng miyembro ng kasundaluhan na gawing mas epektibo ang naiatang sa kanilang trabaho.
“Patuloy nating palakasin ang ating kapabilidad na tapusin at tuldukan ang insurhensiya sa Cagayan Valley at Cordillera Region sa lalong madaling panahon. Isulong ang makatotohanang kapayapaan at patuloy na kaunlaran para sa lahat. Paigtingin niyo lalo ang katapatan, dedikasyon, at kasipagan sa pagtupad ng ating sinumpaang tungkulin para sa bayan. At higit sa lahat, huwag ninyong kalimutang humingi ng gabay sa ating Dakilang Lumikha.”
Matatandaang ang 501st Brigade ay unang 1st Infantry Brigade ng 5ID noong May 15, 1981 at kalauna’y nabago ang kanilang pwersa sa 21st Infantry Brigade ng 3rd Infantry Division noong July 1986 at pagkalipas ng isang linggo, hinirang muli bilang 1st Brigade.
Noong April 15, 1988, napalitan muli ng pangalan ang brigade sa kautusan na rin sa ilalim ng General Order no. 199, HPA at naitalaga sa Sitio Ibulao, Barangay Baguingue, Kiangan, Ifugao.
Nadeploy din sa Mindanao ang grupo partikular sa Sulu noong September 15, 2014 kung saan para labanan ang kalupitan ng mga Abu Sayyaf Group (ASG).
Napasailalim din ng 11th Infantry Division bilang 1101st Infantry Brigade at ang 501st Infantry Brigade at kalaunan ay natigil.
Muling binuhay ang 501st Brigade para sa kanilang Organizational Training nitong May 22,2020 hanggang sa naipasa ang evaluation at madeploy ngayon sa kanilang AOR.