Performance ng PhilHealth, pinapareview ni Senator Bong Go

45

Hiniling ni Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go sa Governance Commission for Government Owned or Controlled Corporations na i-review ang performance ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Go, para ito sa posibleng re-organization ng ahensya at pagtugon sa nabunyag na sistematikong korapsyon.

Sinabi ni Go na sapat nang basehan ang mga report ng katiwalian sa ahensiya para i-review ng GCG ang performance ng PhilHealth.

Sa kabila nito, naniniwala si Go na mas maraming matitinong empleyado sa PhilHealth kaya hindi dapat hayaan na mahawa ang mga ito ng mga tinaguriang “bad eggs” sa ahensiya

Binigyang diin ni Go na kapag na-reporma ang PhilHealth, mas magiging maayos pa ang serbisyo nito sa sambayanan at mababawi ang integridad na sinira ng mga korap na opisyal.

Dagdag ni Go, mahalagang ding matiyak na maipapatupad ang Universal Health Care Law para mabigayn ng mas maayos na serbisyo sa kalusugan ang mamamayang Pilipino.

Facebook Comments