502nd Infantry Liberator Brigade, May Bagong Pinuno!

Cauayan City, Isabela – “Bagong posisyon, bagong responsibilidad at hamon”. Ito ang tinuran ni Col. Laurence E. Mina General Services Command Infantry Philippine Army sa kanyang pagkakatalaga bilang bagong pinuno ng 502nd Infantry Liberator Brigade na nakabase sa Camp Melchor F Dela Cruz Annex, Soyung, Echague, Isabela.

Pinasalamatan ni Col. Mina ang Commander ng 5th Infantry Division sa ibinigay na tiwala at nangako na gagawin ang lahat ng kaniyang makakaya upang hindi masayang ang tiwalang ibinigay at ipagpapatuloy umano niya ang nasimulan ni Brigadier General Bacarro.

Pinangunahan naman ni Major General Perfecto M. Rimando Jr., Commander ng 5 th Infantry Division Philippine Army ang naging seremonya ng pagpapalit ng pinuno nitong November 24, 2018 sa himpilan ng 502nd Brigade kung saan ay sinaksihan naman ng mga matataas na opisyal ng 5th ID.


Sa naging mensahe ni Major General Rimando Jr. ay pinuri niya si Brigadier General Bacarro sa kanyang ipinakitang didikasyon at magandang pamamahala sa 502nd Brigade.

Ipinahayag din ni MG Rimando Jr. ang kaniyang mataas na tiwala sa kakayahan ni Col. Mina na pamunuan ang 502nd Brigade dahil sa taglay nitong kagalingan at dedikasyon sa tungkulin lalo pa’t isa siyang Isabelino.

Pagtapos ng turn-over ay pinulong at kinausap agad ni Col. Mina ang mga sundalo ng 502nd Brigade maging ang mga personnel ng Opcon Units kung saan isa sa kanyang naging derektiba ay kailangang umiwas ang mga sundalo sa imoralidad.

Aniya, ang sinumang sundalo na magkaroon ng kaso ng imoralidad ay haharap sa kaparusahan at maaring matanggal sa serbisyo dahil kailangan umano na makita sa bawat sundalo ang matas na antas ng disiplina upang hindi masira ang tiwala ng taumbayan.

Samantala, si Col. Mina ay pang-dalawampu’t pitong pinuno ng 502nd Infantry Brigade.

Facebook Comments