Hangad ngayon ng Administrasyon ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu na mapagkalooban ng Baranggay Rescue Vehicle ang lahat ng Baranggay sa buong lalawigan.
Layun nito ay upang makagalaw ng maayos ang bawat baranggay lalo na sa mga panahon ng kalamidad ayon pa kay Gov. Mariam.
Malaking tulong aniya ito sa mga baranggay lalong lalo na sa mga residente na mangangailangan sa oras ng kagipitan . Pwede aniya itong gamitin all around basta ba sa kapakanan ng nakakaraming residente dagdag ng Gobernadora.
Kanina, pormal ng itinurn over mula sa Provincial Government Office ang unang 14 na rescue vehicle.
Kinabibilangan ng mga Barangay ng San Jose at Romangaob sa South Upi, Brgy. Macadayo at Midtimbang sa Datu Anggal Mindtimbang, South Binangga sa Talayan, Macasampen ng Guindulungan, Kitango ng Datu Saudi, Banalakan ng Datu Piang, Manungkaling ng Mamasapano, Bangkal ng Shariff Saidona Mustapha, Buayan ng Datu Hoffer at Sambulawan ng Datu Salibo ang First Batch na napagkalooban ng Rescue Vehicle.
Bukod sa mga rescue vehicle una na ring nakabili ng mga dumptrucks at ilang heavy equipments ang PGO na gamit na gamit na ngayong panahon sa pag aayos ng mga kalsada lalo na sa liblib na bahagi ng ilang bayan sa lalawigan.
508 Baranggay sa Maguindanao pagkakalooban ng Rescue Vehicles
Facebook Comments