50K opisyales ng MILF BIAF dumalo sa Officers Assembly sa Camp Darapanan

Tinatayang nasa limampong libong mga opisyales ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front ang dumalo sa isinagawang dalawang araw na BIAF Officers Assembly sa Camp Darapanan sa bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao.

Nagmumula sa ibat ibang panig ng Mindanao ang mga opisyales ng BIAF Officers ayon pa kay Von Alhaq, Spokesperson ng MILF BIAF sa panayam ng DXMY.

Pangunahing layunin ng Assembly ay upang mas ipaintindi pa ang nilalaman ng Bangsamoro Basic Law at ang kasalukuyang status nito dagdag ni Alhaq.


Inaasahang maging kumpleto ang mga opisyales magmula sa Central Committee ng MILF habang inaasahang bisita ang mga opisyales ng IMT, CCCH, at OPAPP.

Nagsimula ang Assembly kahapon May 7 hanggang ngayong araw May 8.
GOOGLE FILE PIC

Facebook Comments