BUMISTA | Floyd Mayweather, Jr., nasa Pilipinas ngayon

Manila, Philippines – Dumating na sa bansa si retired American Boxer Floyd Mayweather Jr.
Pasado alas-dos ng madaling araw nang lumapag ang private plane ni Mayweather kung saan sinalubong siya ng ilang fans at media.
Hindi naman idinitalye ni Floyd ang dahilan at kung bakit siya nandito pero aniya, masaya siya at nakarating siya sa pilipinas.
Umaasa din si Floyd na magkikita sila ni Senador Manny Pacquiao sa mga susunod na araw.
Plano din ni Floyd na bisitahin ang mga atletang Pinoy boxer upang bigyan sila ng tips at ideas at higit sa lahat ang makasama niya ang mga ito.

Facebook Comments