Manila, Philippines – 51 contraceptives ang sinertipikahan ng Food & Drug Administration bilang non-abortifacient o hindi nagreresulta sa aborsyon.
Kabilang dito ang kontrobersyal na Implanon at Implanon NXT.
Ayon kay FDA Director General Nela Charade Puno, natapos na nila ang technical review at re-evaluation process sa mga contraceptives at 51 sa mga ito ang pumasa alinsunod narin sa standards ng FDA.
Ang FDA certification ang magpapatunay na ligtas at hindi nagdudulot ng aborsyon ang mga naturang produkto.
Matatandaang ipinag utos ng Kataas Taasang Hukuman sa FDA na isailalim sa pagsusuri ang mga contraceptives bilang rekesitos sa pag-aalis ng Temporary Restraining Order na ipinalabas nito nuong June 2015.
Nag ugat ang kautusan ng Korte Suprema mula sa petisyon na inihain ng Alliance for Family Planning foundation Philippines Inc na nagsabing nagreresulta ng aborsyon ang mga contraceptives
Ang mga naturang contraceptives ay inalis sa family program ng DOH bunsod ng kautusan ng Korte Suprema.
Ang mga nasabing contraceptives ay kinabibilangan ng 2 implants, 5 progestin only pills, 8 depo injectable, 1 intrauterine device (IUD), 32 oral contraceptives at 3 confined injectable contraceptives.