Pangulo ng EU, dadating sa NAIA ngayong hapon

83

Manila, Philippines – Alas-tres ngayong hapon dadating sa NAIA 1 ang pangulo ng European Union para dumalo sa ginaganap na ASEAN Summit sa bansa.

Ito ay sa katauhan ni European Council President Donald Tusk.

Commercial flight lamang ang sasakyan ni Tusk na hindi muna natin babanggitin para sa security purposes.

Si Tusk ay isang Polish politician at historian.

Siya ay naging pangulo ng European Council simula noong 2014.

Bukas, may ilang ASEAN delegates na rin ang magsisimulang bumalik sa kani-kanilang mga bansa kabilang dito si US Pres. Donald Trump.

Facebook Comments