51 FCAs, Tumanggap ng mga Makinarya mula sa DA-RFO2

Cauayan City, Isabela- Nabiyayaan ng mga bagong makinarya ang nasa 51 Farmer Cooperatives and Associations (FCAs) sa ilalim ng Farm Mechanization Program ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office 2.

Ito ay kasabay ng nilagdaan na Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DA at Provincial Government ng Isabela.

Sa Rice Program, ang mga naipamahaging kagamitan ay kinabibilangan ng 9 units Four Wheel Drive Tractors, 9 units Walk Behind Transplanter with 3 in 1 Knapsack Sprayer, 6 units Ride-on Type Direct Palay Seeder with 3 in 1 Knapsack Sprayer, 4 units Rice Combine Harvester with Baler at 29 units Hand Tractor with Trailer. Mula naman sa Corn and Cassava Program ang 7 units Four Wheel Drive Tractor at 4 units Combine Harvester with Baler.


Layunin ng programang ito na mapataas ang ani at kita ng mga magsasaka at maipakilala ang modernong pamamaraan tungo sa mas mabilis, epektibo at maginhawang pagsasaka.

Samantala, ang mga makinarya ay nagkakahalaga sa P68,245,149 milyon sa kabuuan mula sa pondo ng Rice, Corn and Cassava Program.

Facebook Comments