Muling nakapagtala ng 51 volcanic earthquakes ang Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), 43 sa mga naitalang pagyanig ay tumagal ng isa hanggang 17 minuto.
Habang ang walong pagyanig naman ay low frequency volcanic earthquakes at low-level background tremor.
Dahil dito, nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Taal Volcano kung saan ang steam-driven o phreatic eruption, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island.
Kayan naman pinaaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko at ang civil aviation na huwag munang pumasok o lumapit sa Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Taal, lalong-lalo na sa may gawi ng main crater at ng Daang Kastila fissure.
Tiniyak naman ng PHIVOLCS na patuloy nilang babantayan ang kalagayan ng Bulkang Taal.