52 anyos na Lalaki, Arestado sa kasong Frustrated Homicide

14

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki sa kasong Frustrated Homicide sa Brgy. Biga Occidental, Sto. Tomas, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Helbert Tabengo Sr., 52 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente sa nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Sto. Tomas, dinakip si Tabengo sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang galang hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Br. 22 Cabagan Isabela para sa nasabing kaso.

Inirekomenda naman ng korte ang kalayaan ni biktima kung makakapagpiyansa ng nagkakahalagang P72,000.00 habang nasa kustodiya ngayon ng pulisya ag akusado.

Facebook Comments
From Advertisers