52 election-related violence incidents, naitala ng PNP

Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 52 insidente ng election-related violence sa bansa hanggang kahapon, Mayo 1.

Isang linggo ito bago ang halalan sa Mayo 9.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, sa ngayon 10 pa lamang sa nasabing bilang ang kumpirmadong may kinalaman sa eleksyon.


Apat dito ay naitala sa Ilocos Region, tatlo sa Zamboang at tag-iisa sa Central Luzon, Northern Mindanao at Cordillera.

Samantala, 28 naman ang validated non-election related incidents habang 14 ang patuloy na iniimbestigahan ng PNP.

Ayon sa Commission on Elections, 104 na munisipalidad at 14 na lungsod sa buong bansa ang isinailalim na sa “red category” na itinuturing na areas of grave concern.

Sa ngayon, 10 lugar na ang isinailalim sa Comelec control.

Mahigit 41,000 mga pulis naman ang ipakakalat ng PNP sa mga polling centers at Comelec checkpoint para bantayan ang seguridad sa araw ng eleksyon.

Facebook Comments