8 patay sa sunog sa UP Village, Quezon City

121

Patay ang walong indibidwal sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Village, Barangay UP Campus, Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), anim sa mga nasawi ay natagpuan sa iisang kwarto.

Alas 5:20 kaninang umaga nang sumiklab ang apoy na mabilis namang kumalat dahil gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.


Itinaas hanggang ikalawang alarma ang sunog bago naapula dakong alas 7:00 ng umaga.

Samantala, inaalam pa ng mga bumbero ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

Ilang residente rin ang nasugatan sa insidente matapos na tumalon mula sa nasusunog nilang bahay.



Hindi bababa sa 80 bahay ang naabo sa sunog kung saan apektado ang nasa 250 pamilya.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng BFP hinggil sa sanhi ng sunog at halaga ng pinsanlang iniwan nito.


Facebook Comments