52 PDLs, pinalaya na ng BuCor

Kinumpirma ni Justice Undersecretary Markk Perete na nakapagpalaya na ang Bureau of Corrections (BuCor) ng dalawang batch ng Persons Deprived of Liberty o PDL.

Ayon kay Perete, ito ay binubuo ng 52 PDLs mula sa New Bilibid Prisons (NBP).

Partikular aniyang inunang palayain ang mga taga-Metro Manila habang ina-ayos na ang transportasyon na maghahatid sa mga probinsya sa iba pang PDLs.


Muli namang ipinagpatuloy ngayong araw ng DOJ-BuCor Joint Task Force ang deliberasyon sa PDLs na inirekomendang mapalaya.

Kinumpirma naman ng National Capital Region Police Office o NCRPO na hanggang ngayon ay mayroon pa ring PDLs na unang napalaya dahil sa GCTA Law ang sumusuko sa mga otoridad.

Facebook Comments