Halos 520 metriko toneladang mga barya na ang pinagretiro ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang hindi na magamit sa merkado.
Sinabi ng BSP na ang 519.93 metriko tonelada na mga barya ay “unfit, demonetized, mutilated at counterfeit (UDMC) coins”.
Ito ay upang mapanatili rin ang integridad ng Philippine currency.
Isasailalim sa “coin defacement” ang mga ito para mabago ang ibabaw upang hindi na muling mapaikot sa merkado.
Maaari namang mai-recycle ang mga “defaced coins” sa iba’t ibang gamit base sa sangkap na bumubuo dito.
Samantala, patuloy ang panawagan ng BSP sa consumers na paikutin sa merkado ang mga barya at huwag itong ipunin dahil maaaring mawalan ito ng halaga pagtagal ng panahon.
Facebook Comments