5,279 bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH ngayong araw

64

Umabot sa 5,279 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong araw.

Dahil dito, pumalo na sa 2,756,923 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit at 60,957 dito ang nananatiling aktibong kaso.

Samantala, sumampa naman sa 41,793 ang kabuuang bilang ng mga namatay matapos madagdagan pa ng 208.


Sa kabila niyan, nakapagtala ang DOH ng panibagong 7,312 na gumaling dahilan upang umakyat na sa 2,654,173 ang total recoveries ng bansa mula sa COVID-19.

Facebook Comments